ni Bella Gamotea

Asahan ang panibagong rollback sa presyo ng langis ngayong linggo.

Sa taya ng industriya ng langis, posibleng bumaba ng 75 sentimos ang presyo ng kada litro ng gasolina at 15 sentimos sa diesel at kerosene, bunsod ng pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Matapos i-regular ang sarili sa 'It's Showtime:' Rufa Mae Quinto, ayaw na raw umuwi

Nitong Hunyo 13, nagtapyas ang mga kumpanya ng langis ng P1.20 sa presyo ng kada litro ng kerosene, 95 sentimos sa diesel, at 80 sentimos sa gasolina.