KOH SAMUI, Thailand – Hataw si Juvic Pagunsan sa naiskor na 69 sa final round para makopo ang ikaapat na puwesto sa Queen’s Cup nitong Linggo sa Santiburi Samui Country Club dito.

Sumalto ang dating Asian Tour Money champion saNo.4 sa naiskor na bogey matapos ang tatlong sunod na birdie at double-bogey sa par-4 No. 9 para sa 12-under 272 total iskor. Naiuwi niya ang premyong US$25,000 (P1.2 milyon).

Tatlong stroke lang ang layo ng pambato ng Bacolod sa kampeon na si Nicholas Fung ng Malaysia, sumungkit ng kanyang unang Asian Tour title sa iskor na 269 matapos ang final round 67. Nagwagi siya ng US$90,000 (P4.4 milyon).

Abante si Fung ng isang stroke kay Jazz Janewattan ng Thailand, umiskor nang pinkamababa sa final round (66).

‘Kyle Negrito is the Key?’ Creamline malapit na mag-grand slam

Nakasabit sa Top1 10 si Angelo Que na naiskor na 71 tangan ang anim na birdie para sa closing round 71 at sosyong ikaanim na puwesto sa iskor na 275, sa premyong US$14,383 (around P700,000).

Kumita naman si veteran internationalist Tony Lascuna ng (70 para sa kabuuang 288 at kabuuang US$2,250.