NANTES, FRANCE – Matapos ang mahigit isang linggong paghahanda, masusubok ang lakas at katatagan ng Team Pilipinas sa kanilang pagsabak kontra Romania sa pagsisimula ng FIBA 3x3 World Cup dito.

GILAS FOUR! Masayang nagpakuha sa photo op ng FIBA 3x3 World Cup sa Nantes, France sina Gilas Pilipinas member (mula sa kaliwa)  JR Quiñahan, Jeron Teng, Kiefer Ravena at Kobe Paras.
GILAS FOUR! Masayang nagpakuha sa photo op ng FIBA 3x3 World Cup sa Nantes, France sina Gilas Pilipinas member (mula sa kaliwa) JR Quiñahan, Jeron Teng, Kiefer Ravena at Kobe Paras.
Binubuo nina NCAA Division I cager Kobe Paras, amateur stars Kiefer Ravena at Jeron Teng, at PBA player JR Quinahan, haharapin ng Gilas Four ang seventh-seed Romania sa Group B ng torneo Linggo ng gabi (Lunes sa Manila).

Makakaharap ng Filipinos, pinangangasiwaan ni coach Anton Altamirano, ang host France sa ikalawang laro. Nasa ika-18 seed sa 20 koponan ang Philippine Team.

Kasama rin sa grupo ang second-seed Slovenia na makakaharap ng Gilas sa Martes at El Salvador sa huling laro sa elimination round.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Batay sa format, ang dalawang mangungunang koponan sa bawat grupo ay makakausad sa quarterfinal round.

Sa unang mga sagupaan, ginapi ng top-seed Serbia (Group A) ang Egypt, 17-15, at Russia, 20-17.

Nanaig naman ang fifth-seed Netherlands sa South Korea, 22-6, at fourth-ranked United States, 19-12, sa Group D.