Ni ADOR SALUTA

NAGING trending sa social media last Saturday ang Maalaala Mo Kaya tampok si Piolo Pascual.

Piolo Pascual
Piolo Pascual
Ang MMK Father’s Day special episode ni Ma’am Charo Santos-Concio ay halaw sa kuwento ng isang tatay na may kapansanan dulot ng dinanas na stroke at nakunan ng picture nang i-treat ang dalawang anak sa isang fastfood restaurant habang pinapanood ang mga itong kumakain.

Kanyang katwiran, busog siya kaya tinitingnan na lamang niya ang mga anak habang kinakain ang hiling na paboritong fried chicken.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Bago ang ipalabas ng MMK ang naturang episode, nakapanayam si Papa P tungkol sa pagganap bilang solo parent na iniwan ng asawa nang ma-stroke at maparalisado.

“I tried my best to look and act like him. For Father’s Day ang sarap ipakita sa tao na may mga tao pa rin talaga na very noble ang pagkatao. Na no matter the kind of trouble that they go through, very positive pa rin and that’s what I saw in Ryan,” ani Papa P.

“Pinilit ko talagang ibigay ‘yung p’wede kong ibigay as a father, as an actor, and as a human being for people to realize na ano man ang circumstance natin sa buhay, it’s important na mahalin natin ang buhay at ang responsibility natin bilang tatay,” sey pa ni Piolo.

“It’s the kind of episode that would expose the kind of heart that most fathers have. It’s realizing that being a father is not just a responsibility but it’s actually a gift,” ani Papa P.