Ni: REMY UMEREZ

“WALANG forever” ang pambungad na salitang binitiwan ni Bro. Jun Banaag nang i-announce niya sa panggabing palatuntunang Dr. Love Radio Show ang pamamaalam sa ere ng programang Now and Forever na hinawakan niya sa loob ng sampung taon.

Hanggang ngayong araw (June 16 ) na lang mapapakinggan sa DZMM TeleRadyo ang naturang programa na nagtatampok ng mga lumang awitin na kinagigiliwan nang husto ng senior citizens.

Iginagalang ni Bro. Jun ang naging pasya ng pamunuan. Maluwag niya itong tinatanggap bagamat nalulungkot siya dahil sobrang malapit sa puso niya ang programa. Marami sa mga tagapakinig niya ang naging close friends na niya at tiyak na mai-miss niya ang mga ito.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ang pagsibak sa Now and Forever ay bahagi ng pagre-reformat ng mga palatuntunan sa DZMM.

Samantala, patuloy pa ring mapapakinggan si Bro. Jun sa kanyang evening counselling program na Dr. Love Radio Show na nagdiriwang ngayon ng ikadalawampung taong anibersaryo.