Ni: Leonel M. Abasola

Hiniling ni Senator Nancy Binay na Department of Tourism (DOT) na pagmultahin ang mga advertising at creative agency na gumagamit ng mga hindi orihinal na patalastas dahil nakataya dito ang itegridad ng bansa.

Sa patalastas na pinamagatang “Sights” na inilabas noong Hunyo 12 para sa tourism campaign ng DOT, pinuna ng sambayanan ang pagkakahawig ng gawa ng McCann Worldgroup Philippines sa ad campaign ng South Africa Tourism Board na inilabas noong 2014.

“Mukhang di pa po tayo natututo sa nangyari sa mga nakaraang pagkakataon na hindi original ang logo, slogan, o design,” ani Binay.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter