BANNA, Ilocos Norte - Isang binata na nag-swimming sa dam ang tuluyang nalunod makaraang tangayin ng tubig sa Banna, Ilocos Norte.

Kinilala ang biktimang si Jojo Guiang, 21, residente ng Barangay Sinamar sa Banna.

Dakong 12:30 ng tanghali nitong Lunes nang magtungo su Guiang sa Madongan Dam sa Bgy. Cacafean sa bayann ng Marcos subalit nalunod.

Samantala, natagpuang patay na ang nawawalang si Jay Agoto, 25, ng Bgy. Escoda, Marcos, matapos madiskubre ang bangkay sa irrigation canal sa Sitio Caniogan sa nabanggit na lugar. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan