ILALARGA ng Ateneo de Naga City High School class 1967 bilang panimulang programa sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo sa Disyembre 20 ang ‘Golf for a Cause’.

Gaganapin ang naturang fund-raising event sa Hulyo 19 sa RC Filipinos Golf and Resort Club sa San Pedro, Laguna.

Si Dr. Antonio S. Sibulo, Jr., kinikilalang cardiologist sa Saint Luke’s Medical Center, ang chairman ng torneo. Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan kay Dr. Sibulo sa tel. blg. 723-21-20.

Sa mga nagnanais na magpadala ng kanilang tulong pinansiyal, maaring ilagak ang tseke sa Ateneo De Naga University c/o Dr. Sibulo o kay Atty. Arnel F. Abonal, ang tournament treasurer.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA