MONCADA, Tarlac - Madalas ngayon ang mga aksidente sa kalsada at nitong Miyerkules ng gabi ay apat na katao ang duguang isinugod sa Tarlac Provincial Hospital matapos mabangga ng isang motorsiklo ang isang lalaking nagbibisikleta sa Barangay Tubectubang sa Moncada, Tarlac.

Nasugatan sa aksidente si Rojean Cruz, 26, driver ng Racal 125 motorcycle, at angkas niyang sina Analyn Tacut, 21; at Jhon Michael Cruz, 3, pawang taga-Bgy. San Roque, Moncada.

Sugatan din ang nagbibisikletang si June Cortez, 44, may asawa, ng Bgy. Tubectubang, Moncada, makaraang masalpok ng motorsiklo pasado 7:00 ng gabi. (Leandro Alborote)

Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan