LAOAG CITY, Ilocos Norte - Marahil hindi sineryoso ng isang dalaga ang banta ng kanyang kasintahan na magpapakamatay hanggang sa matagpuan ang huli na nakabigti sa puno ng mangga sa Barangay Navotas-B sa Laoag City, Ilocos Norte.

Kinilala ng Laoag City Police ang biktimang si Joven Arcangel, 18, residente sa nabanggit na lugar, na nakabigti ng kable ng telepono sa puno nang madiskubre ng ama niyang si Leriecel Abian Arcangel, 36, dakong 5:30 ng umaga ng Sabado.

Ayon sa pulisya, posibleng limang oras nang walang buhay na nakabigti ang binata nang matagpuan ito.

Nabatid na nabanggit ng binata sa nobya ang planong pagpapakamatay. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan