Ni REGGEE BONOAN

WALA sa bansa ang ina nina Queenie at Kylie Padilla na si Liezel Sicangco kaya ang asawa ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez ang nag-aasikaso sa mga kinakailangang ayusin sa buhay ng magkapatid.

Mariel At RobinKamakailan ay dumating ng Pilipinas si Queenie para ipakilala ang asawa sa papa niyang si Robin at si Mariel ang nag-ayos ng venue at nagtawag sa mga kaanak nila sa Padilla side.

Sa nakaraang baby shower ni Kylie ay si Mariel din ang naging punong-abala lalo na’t hindi naman nasipot ni Robin na super busy sa shooting ng bagong pelikula.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Abut-abot naman ang pasasalamat ni Kylie sa kanyang Tita Mariel at ipinonost niya ito sa kanyang IG account: “Thank you to this amazing woman who made all of this happen. I really don’t know how to thank you enough for making magic happen for my baby’s baby shower from theme, to the guests, to the registry at mother care and even the setting up of the place. I can’t even fathom how much work you put into this night and even while taking care and being such a dedicated mother to baby Maria. Thank you again so much, even also for all the advice and all the help outside of the shower. Even Aj thanks you. I am blessed to have you there for me. Thank you tita@marieltpadilla.”

Sa isa pang event, muling pinasalamatan ni Kylie si Mariel na nagsisilbing nanay niya rito sa Pilipinas.

“My mom is not here, she’s in Australia. She’s taking care of my two siblings there, so understandable, right? Pero hindi ko in-expect na my stepmother would be the step-in mother.”

At dahil napagdaanan din ni Mariel ang kasalukuyang estado ni Kylie, panay ang tawag niya sa huli para i-check kung kumusta ang kalagayan nito.

“Parang life got so much easier. She’s doing this while she’s a mother din to her kid. So thank you so much. Kakaiba din iyong love niya sa akin. Thank you, Tita,” naiyak na sabi ni Kylie.

“She’s being a mom to me, too,” dagdag pa niya.

Anim na buwan na ang ipinagbubuntis ni Kylie at hanggang ngayon ay hindi pa nakakapag-usap ang kanyang Papa Robin at si Aljur, ang ama ng magiging anak niya.