NGAYONG Linggo, maghahari ang magaling na Kapuso actor na si Ken Chan sa episode ng Daig Kayo ng Lola Ko na pinamagatang “Ang Luho ni Haring Vani Doso”.

Dahil sa pagganti ni Alice (Jillian Ward) sa dati nitong mga kaklase na namahiya sa kanya sa Santacruzan, ikukwento ni Lola Goreng (Gloria Romero) sa kanyang mga apo ang mapangmatang hari na si Vani Doso (Ken).

Bilang guwapo at matikas na hari, galit at pinarurusahan niya ang mga pangit at hindi nag-iisip. Kaya naman nang magpagawa siya ng isang marangyang damit, maloloko siya ng dalawang nagkukunwaring mananahi.

Mapapaniwala sila ng mga ito na may hawak na kakaibang tela. Ayon sa dalawang manggagantso, tanging mga guwapo at matatalino lang ang nakakakita nito. Dahil ayaw mapahiya ni Haring Vani Doso, sinabi niyang nakikita niya ang tela at gandang-ganda siya rito.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa araw ng parada, mapagtanto kaya ni Haring Vani Doso na wala talaga siyang damit na suot? Ano ang panibagong aral ang ihahatid ni Lola Goreng sa mga manonood?

Abangan ito sa Daig Kayo ng Lola Ko ngayong Linggosa GMA Sunday Grande.