GOLDEN DUNK! Nagsawa sa dunk si Kevin Durant ng Golden State Warriors laban sa tila natulirong depensa ng Cleveland Cavaliers sa Game 1 ng NBA best-of-seven Finals nitong Huwebes (Biyernes sa Manila). Nadomina ng Warriors ang Cavs, 113-91. AP
GOLDEN DUNK! Nagsawa sa dunk si Kevin Durant ng Golden State Warriors laban sa tila natulirong depensa ng Cleveland Cavaliers sa Game 1 ng NBA best-of-seven Finals nitong Huwebes (Biyernes sa Manila). Nadomina ng Warriors ang Cavs, 113-91. AP
OAKLAND, California (AP) — Binasag ni Kevin Durant ang depensa ng karibal at sa anim na pagkakataon dumadagundong na dunk ang kaloob niya sa Golden State Warriors para durugin ang katauhan ng Cleveland Cavaliers sa Game 1 ng NBA best-of-seven championship nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Sa kanyang unang Finals game bilang miyembro ng Warriors, ratsada ang one-time MVP sa naiskor na 38 puntos, walong rebound at walong assist para sandigan ang Warriors sa 113-91 panalo kontra kay LeBron James at sa Cavaliers.

Nag-ambag si Stephen Curry ng 28 puntos, tampok ang anim na three-pointer at 10 assist sa unang salvo ng pinakahihintay na ‘trilogy’ , inaaasahang mas magiging kapana-panabik matapos lisanin ni Durant ang Oklahoma City at sumapi sa Warriors sa off season.

Nanguna si James sa Cavs na may 28 puntos, 15 rebound at walong assist, ngunit kulang ang suportang nakuha niya sa mga kasangga, higit ang mahigit isang dosenang turnover.

John Amores, hindi banned sa liga; hatol ng PBA, pansamantalang suspensyon

Taliwas sa nagawang apat ng Warriors, pumantay sa record ng NBA na pinaka-kaunting turnover sa Finals.

Sinalanta ni Durant ang Cavs para patunayan na isa siyang ‘man on a mission’ para sa Warriors na nahila ang record sa postseason sa 13-0.

“I think the start of the game, we were a little too anxious and we missed some layups, we gave up some open shots,” pahayag ni Durant. “I think we just locked in from the second quarter on.”

Gaganapin ang Game 2 sa Linggo (Lunes sa Manila) sa Oracle Arena.

Kumubra si Kyrie Irving ng 24 puntos mula sa 10-of-22 shooting, habang kumana si Kevin Love ng 21 rebound at 15 puntos at nabokya si Tristan Thompson.

Ito ang unang pagkakataon na nagharap sa NBA Finals ang parehong koponan sa tatlong sunod na season.