Muling inihirit kay Pangulong Duterte ang pag-alis sa puwesto ng mga makakaliwang miyembro ng Gabinete.
Ito ang panawagan ni Magdalo Rep. Gary Alejano ngayong delikadong muling madiskaril ang peace talks ng gobyerno at ng Communist Party of the Philippines-National Democratic Front-New People’s Army (CPP-NDF-NPA).
Iginiit ng kongresista na patuloy na malalagay sa panganib ang seguridad ng bansa hanggang may mga mga kaalyadong komunista ang Presidente.
Samantala, pabor din si Alejano sa desisyon ng gobyerno na pansamantalang suspendihin ang usapang pangkapayapaan.
Kabilang sa mga makakaliwang miyembro ng Gabinete sina Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano, Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo, at National Anti-Poverty Commission Chairperson Liza Maza. (Beth Camia)