GUIMBA, Nueva Ecija - Dahil sa paglabag sa “no plate, no travel” policy, isang 40-anyos na barangay kagawad ang naaresto sa Oplan Sita sa Barangay Ayos Lomboy sa Guimba, Nueva Ecija nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ni Supt. Rechie Duldulao, hepe ng Guimba Police, ang naarestong si Edwin Pumaras, 40, kagawad ng Bgy. Bunol at kabilang umano sa high value target ng pulisya.

Dakong 1:45 ng hapon nang masita sa checkpoint si Pumaras ni Chief Insp. Ador Depneg ngunit nang hingian ng lisensiya at rehistro ng tricycle ay aksidenteng nahulog sa wallet nito ang umano'y drug paraphernalia.

Batay sa record ng pulisya, sinabi ni Duldulao na si Pumaras ay isang drug surrenderer matapos umaming gumagamit at nagtutulak ng droga. (Light A. Nolasco)

Probinsya

74-anyos na lolang hinabol ang alagang pusa, patay matapos mabangga