CABANATUAN CITY – Negatibo ang resulta ng pagsusuri kaugnay ng napaulat na isa ang Nueva Ecija sa mga lugar na apektado ng Ebola Reston virus strain.
Ayon kay Dr. Mina Morton, acting provincial veterinarian, nakumpirma nang ligtas kainin ang mga karneng baboy na mabibili sa mga pamilihan sa lalawigan.
“Dati exclusive lang sa monkeys 'yun nakita sa mga hogs natin. ‘Yung sa mga babuyan at siyempre alam natin ‘yung mga probability na naka-infect ‘yan lalo ng mga tao,” ani Morton.
Paalala ni Morton sa mga Novo Ecijano, kahit safe sa Ebola Reston ay mahalagang tiyakin na de-kalidad—batay sa tatak ng National Meat Inspection Service (NMIS)—at lutuing mabuti ang karneng baboy. (Light A. Nolasco)