MONCADA, Tarlac – Naaresto ng pulisya ang isang kilalang tulak na tinatawag na “shabu queen”.

“Kilala siya ng mga kapwa niyang sangkot sa droga. Tinatawag nila siyang Queen o Fairy Queen,” sabi ni Chief Insp. Palmyra Guardaya, hepe ng Moncada Police.

Ang tinutukoy ni Guardaya ay si Nory Bamba y Soriano, 36, ng Barangay Estacion sa Paniqui, na naaresto sa buy-bust operation sa Bgy. Poblacion 1 sa bayang ito, kahapon.

Bukod sa hinihinalang shabu sa maliit na plastic sachet, dalawa pang malalaking plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng limang gramo, ang nakumpiska mula kay Bamba, ayon kay Guardaya.

Probinsya

13-anyos, pinakabatang nagpositibo sa HIV sa Palawan

Sa kanyang report kay Tarlac Police Provincial Office director Supt. Ritchie Medardo Posadas, sinabi ni Guardaya na inaresto si Bamba ilang oras makaraang madakip ng pulisya ang isang grupo ng mga tulak na nagturo kay Bamba bilang supplier nila. (Mar T. Supnad)