July 10, 2026

Home BALITA Eleksyon

Ramon Tulfo, babae ang mas bet na lider ng bansa

Ramon Tulfo, babae ang mas bet na lider ng bansa
Photo Courtesy: Leni Robredo, Ramon Tulfo, Risa Hontiveros (FB)

Nagbigay ng pananaw ang batikang kolumnista at radio broadcaster na si Ramon Tulfo hinggil sa kung sino ang dapat mamuno sa Pilipinas.

Sa latest episode ng “Political Beat” noong Martes, Hunyo 9, sinabi ni Ramon na pinayuhan na niya ang mga kapatid na sina Sen. Erwin Tulfo at Sen. Raffy Tulfo na huwag nang kumandidato pa sa mas mataas na posisyon.

“Tutal, marami namang mga magagaling diyan, e. Leni [Robredo], si Risa [Hontiveros]. In fact, palagay ko, mas magaling kung babae ang magpatakbo ng ating bansa,” saad ni Ramon. 

Dagdag pa niya, “Si Gloria Macapagal-Arroyo, maganda sana  magpatakbo. Nasira lang siya ng asawa niya. Si Cory naman, walang alam, e. Housewife. Ang nagpapatakbo niyan, mga kamag-anak niya.”

Matatandaang makailang ulit nang naghayag si Sen. Risa na seryoso niyang ikinokonsidera ang pagtakbo bilang Pangulo sa 2028 elections. 

Eleksyon

Baste Duterte, Leni Robredo, at Robin Padilla tabla sa unang pwesto sa Senate Preference Survey ng Arkipelago Analytics

Maki-Balita: 'I remain willing! Sen. Risa, nananatiling bukas tumakbong Pangulo sa Halalan 2028! 

Sa katunayan, sinemento na ng Akbayan Party-list ang kanilang suporta sa kandidatura ng senadora gayundin ang Magdalo Party-list ni dating Sen. Antonio “Sonny” Trillanes IV.

Maki-Balita: Akbayan, suportado pagkapangulo ni Sen. Risa sa 2028

Maki-Balita: Magdalo, itutulak presidential bid ni Sen. Risa! 

Samantala, inanunsiyo naman ni Mayor Leni noong Abril na wala na talaga siyang balak pang kumandidato sa anomang pambansang posisyon sa 2028.

Maki-Balita: Final na! Leni Robredo, ‘di tatakbo sa national position sa 2028