Bistado sa pagtutulak ng ilegal na droga ang 67 anyos na babae sa buy-bust operation sa Pandacan, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ni Belen Castillo, alyas Nanay Belen, ng Jesus Street, sa Pandacan.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Police Supt. Rolando Gonzales, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 10, dakong 9:00 ng gabi inaresto si Castillo sa buy-bust operation sa Quirino Avenue.

Nakatanggap umano ng tip ang awtoridad hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek at ikinasa ang operasyon laban sa kanya.

VP Sara, may kinakausap na lawyers na may 'ICC experience'

Agad pinosasan ang suspek nang makabili sa kanya ng dalawang pakete ng shabu ang poseur buyer. (Mary Ann Santiago)