Dalawang tama ng bala sa ulo ang ikinasawi ng isang babae matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang armado, habang bumibili ng softdrinks sa isang tindahan sa San Andres Bukid, Maynila kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Carmencita Cuison, 43, ng 2440 Onyx Street, San Andres.

Sa ulat ni SPO4 Ronald Gallo, imbestigador ng Manila Police District - Crimes Against Persons Investigation Section (MPD-CAPIS), dakong 7:15 ng gabi nangyari ang pamamaril.

Una rito, nagtungo umano sa tindahan ang biktima at bumili ng softdrinks.

National

VP Sara, ibinahaging bibisita iba pa nilang pamilya sa Netherlands para sa kaarawan ni FPRRD

Makalipas ang ilang segundo, habang nakaupo sa harap ng tindahan, nilapitan si Cuison ng suspek at patraydor na binaril sa ulo.

Naglakad lamang umano ang suspek, na tila walang nangyari, nang makitang bumulagta ang biktima.

Isinugod pa sa ospital ang biktima ngunit patay na ito.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Mary Ann Santiago)