Kinumpirmang masyado siyang abala para bumisita sa United States, nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte ng pangamba na posibleng targetin siya ng CIA-sponsored assassination.

Sa panayam ng Russian Television bago ang pagsisimula ng kanyang pabisita sa Russia para palakasin ang relasyon sa

karibal ng Amerika, inamin ni Duterte na nasaktan siya sa pakikialam ng United States sa presidential campaign kung saan siya ay labis na nabatikos.

Nang tanungin kung gaano kaseryoso ang kanyang takot na mabiktima ng political murder, sinabi ni Duterte sa Russian interviewer: “They do it. Does it surprise you? They can even take the president out of his country for him to face trial in another country.”

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file sa pagkasenador at party-list sa huling araw

Sinabi ng Pangulo na itinuturing man niyang kaibigan si U.S. President Donald Trump, kinailangan niyang tanggihan ang imbitasyon dahil masyadong abala ang kanyang schedule.

“Yes, I said I’m sorry. I cannot go because I’m busy. That’s actually the truth, as I said before,” aniya.

Sabi pa ni Duterte: “You might as well have noticed that during the election I was severely criticized by America, and it was during the election time.”

Sinabi ni Duterte na ang assassination plot ay maaaring may kaugnayan sa pagsisikap niyang alisin ang U.S. military sa Pilipinas.

“I said it about the American troops. That one day during my term, if I survive the CIA (Central Intelligence Agency), I still have five years to go…” aniya, ngunit hindi nagbigay ng detalye.

“Remember Panama? Okay, they invaded Panama, a sovereign state in Central America,” ani Duterte.

Ang tinutukoy ni Duterte ay ang kaguluhan sa politika sa Panama na nagsimula sa pagnanais ng Amerika na makontrol ang Panama Canal. (Ben R. Rosario)