MARAMI ang nadismaya sa inasal ng aktres na nagkapangalan din naman sa larangan ng showbiz bago pumalaot sa pulitika.

Sa isang event kasi na imbitado ang aktres ay bitbit niya ang panganay na anak na nasa four years old pa lang at nagkaroon ng malaking eksena.

Noong una ay marami ang nagkakagulo sa bata dahil pang-showbiz din daw ang hitsura, pero biglang nagkaroon ng tantrums ang bagets at walang makapigil sa pag-iyak.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kahit sino pa ang inutusang umalo sa bata ay hindi umubra, lalo lang itong humihiyaw ng mas lumalakas pang lalo ang iyak kapag nilalapitan ng ibang tao.

Wala raw yatang sinasanto ang bata na parang may hinahanap na kung ano at hindi mahulaan ng mga tao sa event. And, yes, maging ang ina ay hindi na malaman ang gagawin para mapatahan ang bagets.

Kaya lumapit na lang daw bigla ang aktres na may hawak-hawak na isang bagay at sinabihan ang anak na kung hindi titigil sa kapapalahaw ay itatapon niya ito, huh!

Ang ending, napunta sa mag-ina ang atensiyon ng lahat na dumalo sa nasabing event.

Hayun, hanggang sa natapos ang okasyon ay hindi pa rin napatahan sa pag-iyak ang bata. (JIMI ESCALA)