BURADO na muna sa utak ni Wynwyn Marquez ang pagsali sa Miss World Philippines pageant ngayong taon dahil sa conflict sa schedule ng taping niya sa Mulawin vs Ravena na magsisimula nang umere ngayong gabi sa Telebabad block ng GMA-7.

“As much as I want to pero may Mulawin vs Ravena, baka kasi mag-overlap ‘yung duration. Siyempre, may obligation ako rito, unahin ko na kung ano ‘yung una kong napirmahan,” wika ng aktres sa grand presscon ng Mulawin vs Ravena kamakailan.

“Submission kasi ng Miss World, ang alam ko July and then October ‘yung pageant. Eh, nagteteyping pa kami. Madugo. Depende pa po lahat. And next year naman may Bb. Pilipinas pa, so let’s see,” lahad pa ng girlfriend ni Mark Herras.

Wyn has just turned 25 years old nitong nakaraang May 4. 

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Last chance ko na next year. Miss World sana this year kaso nga may malaking project. Sayang naman,” sambit ng anak nina Joey Marquez at Alma Moreno. 

Susubukan pa rin ng dalaga na sumali sa Bb. Pilipinas next year. Kahit hindi nanalo nu’ng una, buo pa rin ang kanyang loob na i-try ito. 

“Siyempre, na-disappoint nu’ng una pero konti lang. Okay naman ‘yung kinalabasan, eh. Kahit hindi ako nanalo ng crown, marami pa ring opportunities na pumasok,” lahad ng aktres. 

“Kumbaga, mas naipakita ko kung sino talaga ako. Nakasagot ako nang maayos sa Q&A, ‘yun ang importante. Kasi siyempre, ayaw mo namang mapahiya, di ba? Kasi ‘yung tatay ko baka batuhin ako ng upuan habang sumasagot. Okay lang. Moved-on na ako at masaya naman ako.”

Smooth-sailing ang relasyon nilang dalawa ni Mark. Sa loob ng isang taon at apat na buwan, tingin ng marami mauuwi na ito sa kasalan. 

Aminado rin ang former Starstruck winner na siya na ang huling babae sa buhay nito. Napag-uusapan na ba ang kasal?

“Ang sarap pakinggan, siyempre, kung ganu’n ang sinasabi ng partner mo. Mas matatakot ako kung sasabihin niyang hindi pa siya ready, di ba? Mas scary pero in time siguro. Not now, not anytime soon. Siguro kapag nanalo na ako ng korona, sana. 

Paano ang pangarap na maging beauty queen kung bigla na lang mag-propose ng marriage si Mark?

“Huwag naman sana muna, hehe.... Napag-usapan na naman namin mga two to three years from now kasi nasa edad na naman ako. Nasa edad na rin naman si Mark. 

“Oo, napag-uusapan. Pero hindi ‘yung seryoso na parang, ‘ow, next year, pakasal na tayo.’ Walang ganu’n,” paglilinaw ni Wyn.

Thankful si Wyn sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng Kapuso Network na mapabilang sa sequel ng Mulawin vs Ravena. 

Nagkuwento siya tungkol sa role niya sa series. 

“Ravena ako, so, masama pero ang Ravena kasi mabait naman talaga sila. Ipinaglalaban lang nila kung ano ‘yung dapat sa kanila. 

“Maganda kasi sa Mulawin, may kani-kanyang story lahat ng characters. So parang wala kang ginagawa. Umiikot talaga ang story. Mostly, ‘yung eksena ko with Dennis Trillo.” 

Bukod sa kanila ni Dennis, ang iba pang kasama niya sa cast ng Mulawin vs Ravena ay sina Regine Velasquez, Heart Evangeslita, Lovi Poe, Carla Abellana, Tom Rodriguez, Derrick Monasterio, Bea Bienene, Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Kiko Estrada, Angelu de Leon, Bobby Andrews, Joko Diaz, Martin del Rosario, Nova Villa, Charee Pineda, Roi Vinzon, JC Tiuseco, Valerie Concepcion, David Licauco, Chynna Ortaleza, Dion Ignacio at TJ Trinidad. 

Mas maganda at advanced daw ang technology na ginamit sa serye kaya ipinagmamalaki ito ng buong cast at ng direktor nilang sina Dominic Zapata at Don Michael Perez na siyang creator at headwriter ng fantaserye. (LITO MAÑAGO)