Ni REGGEE BONAN

HINDI na namin babanggitin kung sinong GMA-7 executive ang nakatsikahan namin nitong nakaraang Sabado at nabanggit naming, ‘O, may bago kayong show, Ravena vs Mulawin.”

“Grabe, ang tagal ng Probinsyano, 2018 pa,” sagot sa amin.

Mulawin vs Ravena“Oo nga,” sabi namin, “mahaba pa lalakbayin ni Cardo Dalisay.  May pangtapat naman kayo, di ba, Mulawin.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Sana mag-rate,” sagot sa amin.

At naghiwalay na kami ng executive ng GMA.

Pagkalipas ng isang oras ay nakakuwentuhan naman namin ang isa pang taga-Siyete.

“’Yung kasal ba nina Cardo at Alyanna, talagang nasa plano o biglaan lang para may ipangtapat sa ending ng Encantadia?” tanong sa amin.

“Alam ko nakaplano talaga ‘yun dahil matagal naman nang gustong magpakasal nina Cardo at Alyanna, hindi lang natutuloy dahil sa trabaho,” sagot namin. “Kaya nga umalis na sa pagkapulis si Cardo dahil gusto na niyang maging ordinaryong mamamayan at bagong buhay bilang may asawa.”

“Ganu’n?  Ang tindi, ang bilis ng pacing, parang hinabol talaga,” sabi sa amin.

Hindi na kami sumagot kasi wala namang kapupuntahan ang usapan.

So, alam mo na, Bossing DMB, affected ang Kapuso network sa FPJs’ Ang Probinsyano ni Coco Martin.

E, paano ‘yan, ilang buwan pa ang tatakbuhin nito, handa na ba ang mga Mulawin at Ravena?  Hindi kaya isang bala lang sila ni Cardo?