CARACAS, Venezuela (AP) — Nagpahayag ng pang-iinsulto si Venezuelan President Nicolas Maduros kay U.S. President Donald Trump sa pagsasabing itigil na nito ang pagiging dominante at “get your pig hands out of here.”

Sa pakikipag-usap niya sa kanyang mga tagasuporta, inakusahan ni Maduro si Trump na nagpapalaganap ng interventionist policy.

“Go home, Donald Trump!” pahayag ni Maduro.

Ito ay matapos parusahan ng Trump administration ang walong miyembro ng Supreme Court ng Venezuela, na pawang inakusahang sinisira ang demokrasya ng bansa.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo