SA darating na 2017 PBA D League Foundation Cup, balik sa bench ng Café France ang kanilang dating coach na si Efren “Yong” Garcia.

Itinalaga ang dating playmaker ng Mapua bilang bagong mentor ng Bakers para sa second conference matapos ibaba bilang consultant si dating head coach Egay Macaraya sanhi ng desisyon ng huli na mag-focus sa kanyang posisyon bilang head coach ng San Sebastian College sa NCAA.

Gusto ni Macaraya na bigyan ng kaukulang panahon ang paggabay niya sa Stags sa darating na NCAA season na aabutin ng schedule ng Foundation Cup.

Samantala, sinabi ni Garcia sa naunang lumabas na ulat sa Spin. Ph na ang isasabak nilang koponan sa darating na Foundation Cup ay bubuuin ng mga manlalaro ng Centro Escolar University sa pamumuno ni Rodrigue Ebondo..

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“Bilang bagong head coach, challenge sa kin na ma - meet ang expectations ng management ng CEU, at Café France,” ani Garcia.

“Pipilitin din naming ma -maintain ang current status ng CEU-Café France, at kung mabibigyan ng chance, mag-improve pa,” pahayag ni Garcia.

Huling nagkampeon ang Bakers noong 2015 Foundation Cup. (Marivic Awitan)