SINA Anthony Lim (Lucban) ng Quezon at Hermin Teves (RJM HVT HT3 Tiki Bar – Sandbar) ng Dumaguete ay nanatiling matatag hanggang sa huling laban nitong Martes sa unang 3-cock semifinals ng 2017 World Pitmasters Cup2 (Fiesta Edition) 9-Cock International Derby sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila, Pasay City.

Bunsod nito, nanatiling walang talo at may tig-limang puntos ang dalawa papasok sa grand finals sa Sabado, Mayo 20.

Si Hermin ay anak ng beteranong gamefowl breeder na si Baby Teves at apo ni Congressman Miniong Teves na isa rin antigong sabungero.

Ngayon ang tinatawag na ‘kalmada bago ang bagyo’ kung kailan ang mga maglalaban sa kampeonato ay sandaling magpapahinga upang paghandaan ang 4-cock finals bukas sa pagitan ng mga may iskor na 2,2.5, 3 & 3.5 points, samantalang, ang mga may 4, 4.5 & 5 na puntos ay maghaharap para sa korona sa 4-cock championship sa Sabado.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA