Aabot sa 46 na katao, kabilang ang 9 na bata, ang dinampot ng awtoridad sa One Time Big Time Operation (OTBT) sa Barangay San Dionisio, Parañaque City, nitong Martes ng gabi.

Sa ulat ni Senior Supt. Jemar Modequillo, hepe ng Parañaque City Police, dakong 10:30 ng gabi isinagawa ng nagsanib-puwersang 91 pulis ang OTBT sa nabanggit na barangay.

Sa nasabing bilang, apat ang naaresto sa bisa ng warrant of arrest; 25 ang lumabag sa ordinansa sa pag-inom ng alak sa pampublikong lugar; pito ang nakahubad baro at siyam na bata ang naabutang gumagala sa kabila ng umiiral na curfew.

Samantala, idiniretso sa impounding area ng Parañaque City Police ang 16 na motorsiklong kinumpiska dahil sa pagkabigo ng mga motorista na maipakita ang kaukulang papeles ng sasakyan. (Bella Gamotea)

National

China, walang natanggap na asylum application sa kampo ni FPRRD