SACRAMENTO, Calif. (AP) — Nakatakdang lumipad patungong China si California Gov. Jerry Brown upang ipaliwanag ang clean energy policy sa international leaders sa susunod na buwan, sinabi ng kanyang tanggapan nitong Biyernes.

Dadalo siya sa international energy conference sa Beijing kasama ang mga delegado mula sa halos dalawang dosenang bansa sa kanyang pagbisita sa unang linggo ngs Hunyo.

Pupunta rin siya sa Chengdu sa probinsiya ng Sichuan at sa Nanjing sa probinsiya ng Jiangsu sa nasabing weeklong trip. Ang dalawang nabanggit na probinsiya, kabilang ang California, ay parte ng Under2 Coalition ng rehiyon na nangakong lilimitahan ang global warming sa 2 degrees Celsius.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo