Natagpuan na ang bangkay ng 22 anyos na Pilipino sa Lake Mead, Nevada matapos ang halos isang linggong paghahanap.

Kinumpirma ni Wilson Morales, kapatid ni Wilmer Morales, dating taga-Davao City at ngayon ay naninirahan na sa Las Vegas, Nevada, ang impormasyon sa kanyang Facebook page.

Huling nakita si Willmer noong Mayo 5 na tumalon mula sa isang bangka para kunin ang floating raft na tinangay palayo ng hangin. Nakasuot lamang siya ng board shorts nang mangyari ang insidente.

Gumamit ang National Park Service ng remote operated vehicle at natagpuan ang bangkay ni Wilmer sa lalim na 75 talampakan, malapit sa Lake Mead Marina. (Yas D. Ocampo0
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter