NAG-TWEET si Katy Perry nitong Huwebes ng papuri sa bagong awitin ni Miley Cyrus na Malibu.

Inendorso ng 32-anyos ang bagong awitin ni Miley nang lumabas sa online ang video ng upbeat summer song.

“Love this! Sounds like you just pulled up to liberation station,” post ng I Kissed a Girl hitmaker.

Ni-retweet ni Miley ang reaction ni Katy, at sinabing, “Yaaaaaaaaas!”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Si Katy, na naging kaaway ng Disney star noong 2014, ay tila kaibigan na uli ng 24-anyos. Nagsimula ang alitan ng dalawang singer pagkatapos ng pagtatanghal nila sa Bangerz concert sa Los Angeles at naging kontrobersiyal ang kanilang paghahalikan.

Pagkatapos ng show, lumabas si Katy sa Australian interview programme na Sunrise at ininsulto si Miley, nagpaliwanag na, “I just walked up to her to give her like a friendly girly kiss, you know, as girls do, and then she like tried to move her head and go deeper and I pulled away,” sabi ni Katy. “God knows where that tongue has been. We don’t know! That tongue is so infamous!”

Sumagot si Miley sa pag-iinsulto sa ex-boyfriend ni Katy na si John Mayer.

“Girl if ur worried abt (about) where tongues have been good thing ur ex boo is ur EX BOO cause we ALL know where THAT (tongue) been,” buwelta niya. (Cover Media)