MAKIKILATIS ang mga dayuhan at lokal na mga kalahok sa 2017 World Pitmasters Cup2 (Fiesta Edition) 9-Cock International Derby sa nakatakdang media presentation ngayon sa bulwagan ng Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila sa Pasay City.

Nakatakda ang programa ganap na 10:00 ng umaga.

Bukod sa P15M guaranteed cash prize, isang brand new Mitsubishi Strada GL 4x2 M/T pick-up truck ang ibibigay sa handler ng champion entry. Ang entry fee ay P88,000 at ang minimum bet ay P55,000.

Ito ay sa pangunguna nina Charlie "Atong" Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza at RJ Mea sa pakikipagtulungan nina Lando Luzong at Eric dela Rosa.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Sa kapahintulutan ng Games & Amusements Board, ang makasaysayang pasabong na ito ay ihahatid sa pamamagitan ng mga primerang sponsor na Thunderbird Platinum at Resorts World Manila.

Ang lahat ng kasali ay bibigyan ng free hotel room accommodation at free parking slot sa mga araw ng kanilang laban at isang Castrillo-designed commemorative trophy bigay ng Thunderbird Bexan XP.

Ang 2017 World Pitmasters Cup 2 (Fiesta Edition) 9-Cock International Derby ay magsisimula sa Linggo -Mayo 14 para sa 2-cock elims ng unang set ng entries na susundan ng isa pang 2-cock elims para sa pangalawang grupo, sa Lunes – Mayo 15.

Ang timbang (1.900 – 2.500 kgs.) ay kailangang i-submit isang araw bago ang laban mula 2:00 – 8:00 p.m. sa mga sumusunod na contact persons: Ace (0939-4724206), Louie (0906-1352874) at Armin (0926-4000639)

Ang 3-cock semis ay sa Mayo 16 – para sa first set (0-2 pointers) at sa Mayo 17 – para naman sa second set (0-2 pointers), habang ang 4-cock finals para sa mga entries na may iskor na 2, 2.5, 3 o 3.5 pagkatapos ng semis ay sa Biyernes - Mayo 19, samantalang ang 4-cock grand finals para sa mayroong 4, 4.5 & 5 points ay gaganapin sa Sabado, Mayo 20.

Para sa mga katanungan at karagdagang detalye at cockhouse reservations, maaring tumawag kay Ms. Kate Villalon – 09278419979.