NAPANOOD namin ang TV interview kay Kris Bernal na iniyakan niya ang pamba-bash sa kanya ng netizens sa sarili pa niyang Instagram (IG) account.

Iniyakan ni Kris ang suggestion ng isang basher na mahiga na lang siya sa kabaong dahil sobra na ang kapayatan niya.

May rason ngang masaktan si Kris at ang ibang basher nga, binigyan siya ng title na “Kabaong Queen” dahil pa rin sa sobrang kapayatan daw ng aktres.

If I know, mga hirap lang magpapayat ang galit kay Kris dahil payat ito at idinadaan sa pamba-bash ang pangkainggit sa aktres.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Kung makikita nila sa personal si Kris, makikita nilang maliit ang body frame niya, maliit ang mga buto at kung tataba siya, hindi siya magandang tingnan, liliit siya lalo at lalapad ang katawan.

Saka sa mga nag-aakalang hindi kumakain si Kris, malakas po siyang kumain dahil ilang beses na namin siyang nakita habang kumakain. Talaga lang hindi siya tabain, kaya tigilan na ninyo ang pamba-bash sa kanya. Masaya ba kayo na nagpaiyak kayo ng artista?

Lalo pang na-bash si Kris nang maging cover ng May edition ng FHM dahil nagpipilit daw magpa-sexy. May paliwanag si Kris dito.

“Approval to grace the cover of FHM went through a long process. Several meetings were held. Late-night arguments left me sleepless. After 8 years of being religiously asked by FHM, I finally said YES with my parent’s consent! My family was highly involved about the whole thing especially about how far should/could I go. Photos released were meticulously handpicked and approved by them. Grab a copy!”

Samantala, malapit na uling mapanood si Kris sa soap ng GMA-7 sa airing ng GMA Afternoon Prime na Impostora. Isa na sa pinakamahirap na role ang gagampanan ni Kris dito dahil hindi lang dual role, may prosthetics pa ang isang character niya. Inaabot ng isang oras ang paglalagay ng prosthetics, mainit sa mukha. Si Rafael Rosell ang leading man dito ni Kris. (NITZ MIRALLES)