BEIJING (AP) — Patay ang 18 katao sa pagtagas ng gas sa central China, sinabi ng mga awtoridad kahapon.

Nangyari ang leak nitong Linggo ng umaga habang nagtatrabaho ang mga minero sa poste ng minahan sa Youxian county ng Hunan province, ayon sa pahayag mula sa propaganda department ng Communist Party committee ng Zhuzhou city, na namamahala sa lugar. Nailigtas ng rescuers ang 37 minero at ginagamot na ngayon sa ospital.

Sinabi ng official Xinhua News Agency na idinetine ng pulisya ang hindi pa matukoy na bilang ng mga tao para sa imbestigasyon.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na