Tututulan ng Department of Justice (DOJ) ang anumang gagawing hakbang ni Sen. Leila de Lima para mapahintulutan siyang makadalo sa mga pagdinig sa Senado.
Iginiit ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na kapag nakabilanggo ang isang tao, suspendido ang ilan sa mga karapatan at prebelehiyo nito.
Sa sitwasyon ni De Lima, kabilang sa mga ito ang pagdalo sa mga pagdinig ng Senado, tulad ng nangyari noon kina senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, at Bong Revilla. (Beth Camia)