CAPAS, Tarlac - Hindi matiyak ng pulisya kung ano ang kahihinatnan ng isang 83-anyos na lalaki na nakakulong ngayon sa panghahalay umano sa sarili niyang apo na Grade 7 student sa nakalipas na 10 buwan sa Barangay Aranguren, Capas, Tarlac.

Pormal nang isinumite sa Women’s and Children’s Protection Desk ng Capas Police ang kaso laban sa suspek, na inaresto nitong Abril 11, 2017.

Napag-alaman sa imbestigasyon ni SPO1 Aileen Feliciano na Hunyo 12, 2016 nang una umanong hinalay ng matanda ang kanyang apo, na pinagbantaan umanong papatayin ng lolo ang buong pamilya kapag nagsumbong. (Leandro Alborote)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito