WASHINGTON (AFP) — Sinabi ni FBI Director James Comey nitong Miyerkules na nasusuka siya na isiping nabago niya ang takbo ng halalan sa US noong Nobyembre 8 matapos ianunsiyo na muli niyang bubuksan ang imbestigasyon sa mga email ni Hillary Clinton bago ang botohan.
Ngunit sinabi ng FBI chief sa pagdinig ng Senate Judiciary Committee na mas magiging malala kung inilihim niya ang kanyang desisyon – na ayon kay Clinton ay naging pangunahing dahilan ng pagkatalo nito kay Donald Trump.
‘’It makes me mildly nauseous to think we might have had impact on the election,’’ aniya. ‘’But, honestly, it wouldn’t change the decision.’’
Iginiit ni Comey na tama ang kanyang desisyon at muli niya itong gagawin kung kinakailangan. ‘’I’ve lived my entire career by the tradition that if you can possibly avoid it, you avoid any action in the runup to an election that might have impact, whether it’s a dogcatcher election or president of the United States. Even in hindsight -- and this has been one of the world’s most painful experiences -- I would make the same decision.’’
Inanunsiyo ni Comey ang imbestigasyon noong Oktubre 28 mahigit isang linggo bago ang halalan.