NAKIPAG-MEETING sa pala mga kinauukulan ang so-so actor para bigyan siya ng TV project?

Napag-iiwanan na kasi ang so-so actor ng mga nakasabayan niya gayong dati naman ay kaliwa’t kanan ang TV/movie projects niya bukod pa ang napakaraming product endorsements, kaya nga ang dami-daming nainggit sa kanya nu’ng mga panahong iyon.

Kaya nakakagulat na bigla na lang lumamlam ang career niya.

Mabuti naman at humingi na siya ng meeting sa mga bossing ng kinabibilangang TV network, tiyak na napag-usapan na kung ano ang plano sa kanya at kung may project ba siya ngayong 2017.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa totoo lang, sitsit ng aming source, walang naka-line up na project para kay so-so actor ngayong taon maliban sa TV guestings, special appearance at by invitations sa out of town/out of the country shows.

Kaya kahit paano ay may exposure pa rin ang so-so actor, pero hindi nga siya kuntento kasi natikman na niyang mapunta sa itaas dati.

“Wala kasi siyang talent,” kaswal na sabi ng taga-TV network na kausap namin.

“Maangal kasi,” dagdag naman ng isa pang staff ng network, “maraming hinihingi, akala mo lang mabait pero mahilig magreklamo nang patalikod. ‘Buti sana kung kagaling-galing, eh, waley naman.”

Kung tutuusin ay hindi naman daw kailangan ng aktor na kumayod ng todo dahil mahal maningil ang manager, kaya marami na itong naipon.

“Eh, kaso ang gusto niya ‘yung may regular show siya kasi ito ang basis niya na sikat siya,” katwiran ng taga-TV network na source namin. (Reggee Bonoan)