LONDON (AP) — Nakabalik aksiyon si Maria Sharapova. At balik din ang kanyang pangalan sa world ranking.

Matapos ang impresibong quarterfinal stint sa katatapos na Porsche Grans Prix sa Stuttgart, Germany kung saan nabigyan siya ng wild card entry, nakpuwesto ang Russian superstar sa World No. 262.

Bunsod nito, malaki ang tsansa na makalaro siya sa Wimbledon sa Hunyo. Naging kampeon si Sharapova sa All England Club noong 2004.

Nakatakda rin siyang maglaro sa Madrid at Rome at inaasahan g mabibigyan din ng wild card entry sa French Open na magsisimula sa Mayo 16.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

Nasuspinde ng 15 buwan si Sharapova nang magpositibo sa ‘meldonium’ isang uri ng gamit na inamin niyang ginagamit bilang medisina sa kanyang karamdaman. Napasama sa ipinagbabawal ang gamot nitong 2016.