June 04, 2026

Home BALITA National

'Parang Petra 'yan, e!' Matibag, pumalag sa hamon ni SP Alan Peter

'Parang Petra 'yan, e!' Matibag, pumalag sa hamon ni SP Alan Peter
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Umalma si National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag sa naging imbitasyon sa kaniya ni Senate President Alan Peter Cayetano na pumunta sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee. 

Pagkatapos kasi ito ng naging direktang pagbabanggit ni Cayetano kay Matibag habang nasa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Huwebes, Hunyo 4, 2026, at binuwelta niyang huwag naman daw sana “Marites” lang ang isinapublikong impormasyon ng NBI tungkol sa 18 ex-Marines. 

Nito rin kasing Huwebes, inilahad sa publiko ni Matibag na nakatanggap daw sila ng impormasyon mula sa isang indibidwal na sinuhulan daw ng dating mambabatas na si Mike Defensor ang 18 ex-marines. 

“Director Matibag, tutal mahilig kayong NBI na pumunta dito sa Senado na walang imbitasyon, ngayon kayo pumunta. Iniimbitahan ko kayo ngayon. Kasi kung ‘yong impormasyon mo ay hindi verified, hindi naman Marites ang pangalan mo,” ani Cayetano. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Pumunta ka dito!' SP Alan, inimbitahan si NBI Dir. Matibag sa Blue Ribbon hearing

National

De Lima vs 18 ex-Marines: 'Uulitin ko... wala akong tinatanggap na pera!'

Sa naging tugon naman ni Matibag, tila pabiro niyang sinabing hindi raw talaga siya si “Marites” dahil pambabae raw na pangalan iyon at kahalintulad ng bansag na “Petra.” 

“Hindi talaga ‘Marites’ ang pangalan ko. Melvin Matibag,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “At saka ‘yong ‘Marites,’ pambabaeng pangalan ‘yon, e. Parang ‘Petra’ ‘yan, e. Si Marites, Petra, pambabae na pangalan ‘yan, ano?” 

Diin ni Matibag, malinaw raw na nakatanggap sila sa isa nilang testigo patungkol sa panunuhol umano ni Defensor sa mga nagpakilalang 18 ex-soldiers.

Patutsada niya, pupunta lang daw siya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kung maglalabas ng wastong subpoena ang naturang wastong Komite ng Senado. 

“Binigyan namin kayo ng kopya no’ng statement ng tao na tetestigo. Padalhan ako ng proper na subpoena, ng proper Blue Ribbon Committee, pupunta tayo,” pagtatapos niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na bagong pahayag, reaksyon, o tugon si Cayetano kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Patawarin ako ng Allah!' Sen. Robin, hugas-kamay sa gitgitan nila ni Remulla

KAUGNAY NA BALITA: Ilang mga dati, kasalukuyang kongresista, napadalhan umano ng male-maletang pera!