Pinagbabaril hanggang sa napatay ng riding-in-tandem ang isang pulis sa Taguig City, nitong Martes ng hapon.

Dead on the spot si Police Officer 3 Romeo Palconit, Jr., aktibong miyembro ng Philippine National Police (PNP) at nakatalaga sa Pasay Traffic Enforcement Unit.

Patuloy na inaalam ng Taguig City Police ang pagkakakilanlan ng dalawang armadong suspek na sakay sa isang motorsiklong walang plaka.

Sa ulat na natangggap ng Southern Police District (SPD), bandang 3:45 ng hapon nangyari ang pamamaril sa panulukan ng East Service Road at C-5 Road, Western Bicutan, Taguig City.

National

Enrile, 'tinakot' OFWs na sasali sa protestang 'Zero Remittance Week'

Sakay sa kanyang motorsiklo (NE 81248), papasok na sa trabaho si Palconit nang sumulpot ang mga suspek at pinagtulungan siyang barilin.

Patay na at naliligo sa sariling dugo si Palconit nang iwan ng mga suspek na humarurot patungo sa direksiyon ng Pasig City.

Samantala, tinamaan ng isang bala ang windshield ng Ford Everest (ZST-601) ni Ohrelle Kim Marcelo, ng Cainta Rizal.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (BELLA GAMOTEA)