July 29, 2026

Home BALITA National

'Fox Silica?' VP Sara, tiklop sa usapin ng Pax Silica

'Fox Silica?' VP Sara, tiklop sa usapin ng Pax Silica
Photo courtesy: Alvin Sarzate (YT)

Usap-usapan ngayon sa publiko ang hindi pagbibigay ng komento ni Vice President Sara Duterte kaugnay sa usapin ng pagtatayo ng Pax Silica Industrial Hub, mula sa inisyatibo ng internasyonal na koalisyong pinangungunahan ng United States (US), sa loob ng Pilipinas.

Sa kasalukuyan, mahigit 20 na bansa na ang lumalagda sa naturang proyekto, kasama na ang Pilipinas.

Bahagi ng kasunduan ang planong pagtatayo ng mahigit 1,600 ektaryang AI-native industrial acceleration hub sa New Clark City, Tarlac.

KAUGNAY NA BALITA: ‘Perwisyo o benepisyo?’ Mga dapat malaman tungkol sa Pax Silica

Sa naging panayam ng mga Duterte supporter kay VP Sara sa The Hague, Netherlands, noong Martes, Hulyo 28, 2026, kinuwestiyon ng mga ito ang bise presidente kung ano raw ang masasabi niya tungkol sa pagtatayo ng Pax Silica sa bansa.

National

Orihinal na copies ng tseke na in-encash ng OVP, shredded na—Violeta Constantino

“Any thought po about sa Pax Silica na balak pong itayo sa Pilipinas?” maririnig na tanong ng isang babae mula sa inupload na video ng Duterte supporter na si Alvin Sarzate sa kaniyang YouTube channel.

“Ano? Ano? Fox Sili… Fox Silic?” urirat ni VP Sara.

Pagtutuwid naman ni Sarzate, “Hindi, Ma’am. Pax Silica. Do you know anything about that?”

Ani VP Sara, tila wala raw niyang maikokomento tungkol sa naturang usapin.

“Wala ako–I cannot comment on that,” pagtatapos niya.

Kaugnay nito, matatandaang kasama sa inilatag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa ikinasa niyang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes, Hulyo 27, ang epekto ng Pax Silica sa pagbibigay ng mas marami pa raw na trabaho sa mga Pilipino.

“It will bring quality jobs to our people, accelerate our industrial competitiveness, and revitalize our economy,” ‘ika niya.

Aniya pa, maaari din umanong maging sentro ng manufacturing at logistics center ng global artificial intelligence (AI) ang Luzon.

KAUGNAY NA BALITA: ‘It will bring quality jobs!' PBBM, aprub na sa Pax Silica?