CAMP MACABULOS, Tarlac City - Dahil sa matinding pagseselos ng isang lalaki sa kanyang misis, na umano’y tumatanggap ng love notes sa cell phone nito, ay nagpasya siyang tarakan ng 12-pulgadang icepick ang ginang sa Barangay Balete, Tarlac City, Martes ng hapon.

Hindi pa matiyak ang lagay sa Tarlac Provincial Hospital ng 43-anyos na misis ni Aristotle Mejia, 45, kapwa taga-Bgy. Balete, dahil sa haba ng icepick na bumaon sa likod ng una.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Andres Campo, nagtalo ang mag-asawa sa love notes na nabasa ng suspek sa cell phone ng ginang na ipinadala ng umano’y manliligaw nito.

Nakatakas at tinutugis ngayon ang suspek. (Leandro Alborote)

Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan