GAGANAPIN ang FIBA Asia U18 3x3 Championship sa Cyberjaya, Malaysia sa Mayo 26-28.

Ipinahayag ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na nagsasagawa ang coaching staff ng pag-aaral para mapili ang mga player na mapapabilang sa National Team sa pagtatapos ng Under Armour 3x3 Southeast Asia Philippine leg.

Ang RP team na ipadadala sa Cyberjaya ay magmumula sa mga koponan na pumasok sa Final Four sa naturang torneo kung saan si dating National mentor Joe Lipa ang tournament director.

Ang huling araw ng pagsumite ng line-up sa Cyberjaya ay sa Mayo 5.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?