Iniimbestigahan ng Office of the Ombudsman ang isang opisyal ng ahensiya dahil sa matagal na pagkakaantala ng pagsasampa ng kasong kriminal kaugnay sa Mamasapano encounter.

Kinumpirma ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na iniimbestigahan ng Internal Affairs Board si records officer Alma Cagat-Cagat ng Office of the Special Prosecutor (OSP) at pinag-aaralan na rin ang pagsasampa ng kasong gross neglect of duty at grave misconduct laban dito.

Kapag napatunayang si Cagat-Cagat ang dahilan ng pitong buwang pagkakaantala sa paghahain ng kaso ay posible itong matanggal sa serbisyo. - Rommel P. Tabbad

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter