PORMAL na inihayag ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes ang komposisyon ng national team na isasabak ng bansa para sa darating na SEABA Championships na gaganapin dito sa bansa sa susunod na buwan.

Nanguna sa roster na binuo ni Reyes para sa qualifying tournament ng FIBA Asia Cup sina San Miguel Beer center June Mar Fajardo at naturalized player na si Andray Blatche.

Kabilang din sa listahan na inihayag ni Reyes sa pagkatapos ng ikalawang exhibition game ng Gilas bilang bahagi ng PBA All-Star Week noong Biyernes ng gabi sa Lucena City kung saan nagwagi ang Gilas, 122-111 sina Phoenix rookie guard Matthew Wright, ang nagwaging All-Star MVP sa ikalawang sunod na pagkakataon pagkatapos ng unang laban sa Mindanao , Alaska forward Calvin Abueva, Japeth Aguilar ng GInbra at Raymond Almazan ng Rain or Shine.

Kasama rin sa mga napili sina Star rookie guard Jio Jalalon at kakampi nitong si Allein Maliksi, Talk N Text rookie RR Pogoy, Terrence Romeo ng Globalport at TNT standouts Troy Rosario at Jason Castro.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“We don’t want to call this the Final 12 but the Seaba 12,” pahayag ni Reyes na tila nagpapahiwatig na possible pang magkaroon ng pagbabago sa nasabing line-up.

Upang umabot sa asam na World Cup tournament, kailangan ng Gilas na magkampeon sa SEABA. (Marivic Awitan)