TATLONG karera, sa iisang programa.

Ito ang konsepto ng RunRio Trilogy Race Series na magbabalik sa lansangan simula sa Hunyo 25 para sa half marathon race kaakibat ang pagbibigay ayuda sa Yes Pinoy Foundation.

“This year marks the 7th year of Runtio Trilogy, whose main objective is to educate runners to train and race progressively. Aside from this, part of the proceeds of this year’s race series will go to YesPinoy Foundation to support the organization’s philanthropic works,” pahayag ni actor DingDong Dantes, pangulo rin YesPinoy Foundation, sa isinagawang media launching kahapon sa Okada Manila.

Inaasahang aabot sa 12,000 running enthusiast kada leg ang sasabak sa torneo na mas pinatas ang level sa inaasahang pagdagsa ng mga foreign players matapos makamit ng organizers ang sanctioned ng International Amateur Athletics Federation (IAAF).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Kenyans and other foreign players are coming.

Pero huwag pong magaalala ang gating mga runners dahil may hiwalay na division para sa kanila,” pahayag ni coach Rio dela Cruz, pangulo ng RunRio Events, Inc.

Sinabi ni Andrew Neri, chief executive ng organizing committee, na bukas na pagpapatala sa oneline, habang ang onsite registrations ay magbubukas simula sa Mayo 6 sa Adidas store at Tony’s SM MOA.

Inilunsad din ng RunRio ang ‘Heart to Finish’ campaign na siyang magiging mantra ng Runrio races.

“We at RunRio understand that people join races not just to run. It’s more because of their desire and passion to be able to finish their 21k, 32k, or 42k races with different motivations. We believe that if you run with your heart, anything is possible,” pahayag ni dela Cruz.

Isusulong din ngayong taon ang age-grouping sa bawat lalahukang division kung saan makatatanggap ng medalya at premyo ang mangungunang tatlong runner.

“I would like to invite all those who like running to join the Runrio trilogy 2017. This unique running series will definitely provide runners a chance to train and prepare properly and a chance to show how far they can go when they run with their heart,” sambit ni dela Cruz. (Edwin Rollon)