CAIRO (AFP) – Pangungunahan ni Pope Francis ang misa sa isang maliit na komunidad ng mga Katoliko sa Egypt sa kanyang pagbisita sa bansa bilang suporta sa mga Kristiyano roon, kasunod ng serye ng madugong pambobomba sa mga simbahan.

Ang spiritual leader ng 1.3 bilyong Kristiyano sa mundo ay magdaraos ng misa para sa 30,000 mananampalataya sa isang stadium sa Cairo.

Magtitipun-tipon sa pagdiriwang ang lahat ng mga miyembro ng Catholic rites sa bansa— Coptic, Armenian, Maronite at Melkite.

Tinatayang nasa 272,000 ang Katoliko sa Egypt.
Internasyonal

Pinakamainit na temperatura ng mundo, posibleng maitala ngayong 2024