July 28, 2026

Home BALITA National

'More to come:' Trillanes, inispluk resolusyon ng DOJ sa kasong cyberliber, perjury vs Atty. Baligod atbp!

'More to come:' Trillanes, inispluk resolusyon ng DOJ sa kasong cyberliber, perjury vs Atty. Baligod atbp!
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Ibinahagi sa publiko ng dating senador na si Antonio “Sonny” Trillanes IV ang resolusyong inilabas ng Department of Justice sa rekomendasyon nitong sampahan ng mga kasong cyberlibel at perjury sina Atty. Levito “Levi” Baligod at mga miyembro ng 18 ex-bodyguards.

Sa Facebook post ni Trillanes nitong Martes, Hulyo 28, 2026, makikitang isinapubliko niya ang pahina ng resolusyon ng DOJ na mababasa ang pangalan nina Baligod at mga miyembro ng 18 ex-bodyguards.

Screenshot mula sa FB post ni Trillanes.

“Lumabas na po ang DoJ resolution na pinapakasuhan sa korte ng cyberlibel/perjury sina Atty Baligod at ang 18 ex-soldiers. More to come,” ani Trillanes.

Matatandaang unang beses na nagsampa ng kaso si Trillanes noong Marso 5, 2026, laban sa 18 ex-bodyguards, sa abogado nilang si Baligod, dating broadcaster na si Jay Sonza, dating NTF-ELCAC spokesperson Lorraine Badoy at vlogger na si Cathy Binag dahil sa pagpapakalat umano ng mga nabanggit ng “disinformation” sa publiko tungkol sa kaniya.

National

Sen. Villanueva, idiniing 'dapat may managot sa flood control issue!'

KAUGNAY NA BALITA: Trillanes, kakasuhan 18 ex-marines, Baligod, Defensor, atbp!

Ikalawang beses naman na nagsampa si Trillanes ng kaso noong Marso 23, 2026, laban ulit sa 18 ex-bodyguards, vlogger na si Banat By at iba pang host ng Sonshine Media Network International (SMNI) dahil sa patuloy pa rin umanong pagpapakalat ng kasinungalinan ng mga nabanggit.

KAUGNAY NA BALITA: ‘Di ko kayo titigilan!’ Trillanes muling nagsampa ng kaso vs 18 ex-Marines, Banat By, atbp.

Sa ikatlong pagkakataon naman noong Hunyo 25, muling nagsampa ng kasong cyberlibel si Trillanes laban ulit sa 18 ex-bodyguards, kasama na sina Cayetano at Marcoleta.

KAUGNAY NA BALITA: ‘Di ko kayo titigilan!’ Trillanes muling nagsampa ng kaso vs 18 ex-Marines, Banat By, atbp.

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag, tugon, o reaksyon si Baligod sa pagong post ni Trillanes.