May 22, 2026

Home BALITA

‘Di ko kayo titigilan!’ Trillanes muling nagsampa ng kaso vs 18 ex-Marines, Banat By, atbp.

‘Di ko kayo titigilan!’ Trillanes muling nagsampa ng kaso vs 18 ex-Marines, Banat By, atbp.
Photo Courtesy: Antonio Trillanes IV (FB)

Muling sinampolan ni dating Sen. Antonio “Sonny” Trillanes IV ang labinwalong indibidwal na nagpakilalang dating mga miyembro ng Philippine Marines kasama na ang vlogger na si Banat By at iba pang host ng Sonshine Media Network International (SMNI).

Sa latest Facebook post ni Trillanes nitong Lunes, Marso 23, sinabi niyang may kinalaman ang isinampa niyang kaso sa patuloy na pagpapakalat ng kasinungalingan ng mga binanggit na indibidwal.

“Ngayong umaga, ako ay muling nagsampa ng mga kaso laban 18 ‘ex-marines’ dahil sa patuloy nilang pagkakalat ng kasinungalingan tungkol sakin. Kasama rin sa kasong ito si Byron ‘Banat By’ Cristobal at iba pang hosts ng SMNI,” saad ni Trillanes.

Dagdag pa niya, “Hangga’t patuloy silang nagkakalat ng mga kasinungalingan, patuloy din ang pagsampa ko ng kaso laban sa kanila. Di ko kayo titigilan.”

Matatandaang sa programang “Banateros” noong Marso 14, patuloy na iginiit ng ilan sa 18 ex-Marines ang paghahatid nila ng male-maletang pera sa bahay ni Trillanes.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Una nang humarap sa publiko ang 18 ex-Marines noong Pebrero 24 sa ginanap na press conference sa Club Filipino sa Greenhills.

Isiniwalat nilang tumanggap umano si Trillanes ng halagang humigit-kumulang ₱112 milyon o $2 milyon mula kay dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co para sa pag-aasikaso ng pangangailangan ng International Criminal Court (ICC) investigators.

Ngunit pinabulaanan na ito ni Trillanes at sinabing hindi siya kailanman nakatanggap ng $2 milyon o anomang halaga mula kay Co.

Maki-Balita: Antonio Trillanes, tumanggap ng ₱112M kay Zaldy Co para sa ICC investigators!—Atty. Levi Baligod

Makalipas ang ilang araw, nagtungo siya sa Department of Justice (DOJ) para pormal na sampahan ng kaso ang 18 ex-Marines at iba pang kasamahan ng mga ito.

Maki-Balita: Trillanes, kakasuhan 18 ex-marines, Baligod, Defensor, atbp!